- kumakain ka ng aratilis
- nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting
- pinipilit ka matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog
- marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik
- malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes
- alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start
- may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez
- addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog
- nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya
- marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk
- inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210
- gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo
- meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka
- nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo
- kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging
- alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant
- idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers
- eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati
- nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala
- cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"
- inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref
- meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo
- noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory
- alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"
- alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe
- sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon
- inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square
- lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun
- alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
- meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin
- laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka
- bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal
- kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porni as BOLD
- takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo
KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS
LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA...
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG
PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN
DEW? HAHAHAHAH
18 meow:
I do remember them and I'm old :)
LOL! mas matanda na nga ako..naalala ko lahat! gusto ko ang litrato mo, ewan ko ba..noong maliit pa ako, gusto ko iyong kusina na ganyan, gawa sa kawayan at nakakadungaw ka sa labas. parang quaint masyado:)
nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya
Ang time space warp ngayon din
@nina - hehehe pero kahit old beauty pa rin!!! apir LOL
@Me, the islands - hehehe mga gurang na pala nagbabasa ng blog ko! joke lang LOL
nakakamiss yan ganyan na kusina noh, sa batangas bangerahan ang tawag jan, sa mga pinsa ko yan, tho meron sila totoong lababo jan pa rin hugas un mga lola hehehe
@ida - asan na si puma lear? hahahaha
10 centavos lang ang ikot sa UP ng nag-aaral pa ako dun. That classifies me as antiquated or dinosorial :-)
Cheers to the gens X, Y and Z's
an sakit mo namang mag-blog! wag mo nang ipa-alala sa mga readers mo na otsenta anyos na ako!
yeap! totoo yong gumamela, indi ko lang pinipitpit yun, dinidikdik ko sya para pag me sayawan yon ang aking CK-B hehehe
na-alala ko karamihan, pero 40 na ako :(, hihihihi. especially yung mag-asawa bago 2000 kasi magunaw na ang mundo, hihihi.
salamat pala sa comment.
waa! tumama ka na naman lol...napaghahalata ang mga oldies lol...
parang kulang ata ung games, d ba kayo naglalaro ng elastic band?lastiko tawag nun sa bisaya eh pangsugal hehe
idol ko si macgyver, nanonood ako ng perfect strangers at gusto ko si balki hehehe, pula pa noon yung .75 centavo pay phone natin, andami kong di nagastos na bulaklaking singko pati na rin yung square na one centavo, palagi kong sinasabi yung "perlas na bilog, wag kang tutulog-tulog". buti na lang hindi ako pinilit matulog sa hapon nun nyahahahaha!
grabe talaga napaghahalata ang mga me edad dito ah! =)
I miss my days when I was still a kid - seriously!
:D
@Lotus Flower - huwaw 10cents lang ang bayad sa UP ikot dati!!! LOL @ antiquated or dinosorial :)
reyna elena - ay sorry mahal na reyna, natamaan ka ba? ok lang 28 ka pa lang naman diba? bwahahah dinikdink na gumamela perfume, classic!!!! hehehehe
@betchai - hihihi honga kelangan daw pakasal bago magunaw ang mundo bwahahahha
@poray - nd naman talga oldies hahahaha
oo meron nga yan mga lastiko, kalog, tansing, at kung ano ano pa na mga games na parang sugal, pang taya mga tau-tauhan, o kaya tansan o kaya un mga stationary hahahaha
@carlotta1924 - hehehe ang galing ng mga chorva ni macgyver noh, parang lahat ng bata dati gusto maging kagaya nya!
hahaha si manang bola ka pala - ako sobrang alala ko pa rin yun tsitsiritsit alibangbang un dalawang puppet na alien hehehe
singkong bulakalak iniipon ko pa yun dati! hahahahha hmmm parang karamihan ng bloggers eh kageneration ko :)
@Kyels - oh yeah it seems that the best times of our lives was when we were kids :)
no problems and everything's simple
guilty as charged, hahah! naalala ko tuloy yung mga blouse na may padding, kalokah! At ska ung U.S.E.D., Aquanet at kung anik-anik pa, sounds familiar, haha! At syempre loves ko sina Shaider at MacGyver na iniiyakan ko noong high school kapag di ko napanood, hehe.
@amor - wehehehe blouse na may padding, shet me nakikita pa ko picture ko na nakaganyan hahaha
I love this post. Nakakamiss tuloy ng life during the 80s. Bazooka was my fave bubble gum back then. Bihira na kasi bazooka ngayon.
smote! na-senti tuloy ako!!!
i think yung mga naka-relate e magkakapareho ng era na kinalakihan
@alwell - thanks! hehehe oo gusto ko rin yang bazzoka bubble gum tapos diba may mga contest pa ng palakihan ng magagawang lobo :) at iniipon ko pa yung mga free na komiks dun sa bazooka :)
@charlbert - hahaha korek ka jan! same era, same old senti ;)
nyahaha... di naman lahat yan alam ko.. pero some of them eh korek talaga!!! nasa lower set naman ako ng range mo... 23 (kahit magkalabasan pa tayo ng birth certificate) hahaha... natatawa ako, ganun na ba ako katanda? napaglipasan na ng panahon yung mga uso nung bata pa ako.. cheers!!!-glesy the great;p
http://anakngpiso.wordpress.com/
Post a Comment