Showing posts with label blast from the past. Show all posts
Showing posts with label blast from the past. Show all posts

Wednesday, September 03, 2008

generation X, Y, or Z?

since i got a lot of comments on my blast from the past post, i figured that most of my readers or bloggers in general are within my age group :)

btw, the photo was taken at rizal park... do you remember when the in thing before or the place to be is at luneta (yes, i still call it luneta hehehe), do you remember when as a kid, you get really excited when your parents tell you to sleep early because you will go to luneta and have a picnic, have a grand time just watching the fountain and those skaters (uh huh it used to be a skating rink where lapu lapu statue stands now) ... and you know that after the picnic you'll visit manila zoo? well i did!

prove me wrong, or agree with my findings, please answer the poll in my sidebar... dont lie about your age please hehehe


Friday, August 29, 2008

naaalala mo pa ba nung simple lang ang buhay

you were born in the 80s or old enough to remember when life was simpler

  • kumakain ka ng aratilis
  • nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting
  • pinipilit ka matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog
  • marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik
  • malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes
  • alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start
  • may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez
  • addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog
  • nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya
  • marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk
  • inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210
  • gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo
  • meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka
  • nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo
  • kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging
  • alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant
  • idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers
  • eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati
  • nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala
  • cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"
  • inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref
  • meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo
  • noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory
  • alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"
  • alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe
  • sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon
  • inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square
  • lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun
  • alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
  • meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin
  • laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka
  • bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal
  • kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porni as BOLD
  • takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS
LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA...

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG
PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN
DEW? HAHAHAHAH

Friday, July 18, 2008

old skul pix

blast from the past, out of boredom i decided to look in our old photo album and cant help but laugh at how i looked like when i was young hehehe

me and nanay at luneta hahahahaha! shet thunders na ko bwahahahahha

i was about 3 years old in this pic, uso bangs dati, hmmm pa-bangs kaya ulet ako ngayon parang ms. swan? LOL (shemay haba ng kamay ko talaga!)

wahahahaha pa-gerl ako dito! (shet panget ko pala nun bata ako! argh pero un smile ko ganun pa rin wahahahahaha)

next time naman un mga kulotski ang buhok ko ang ipost ko, hanapin ko muna

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails