Saturday, April 09, 2011

bisikleta

Summer na talaga... though makulimlim at umaambon ngayon, at abril na eh malamig pa ang hangin sa umaga - simoy disyembre pa rin.

Bakasyon na ang mga estudyante kaya hayan bike maghapon ang mga bata. Kakatuwa marunong na mga pangkin ko na magbike ng single, yun wala na pang balance :)

Actually kahapon lang natuto ng bonga si chelsea at syempre super proud sya. Alala ko nun isang araw umuwe umiiyak nasugatan kasi sumemplang, sabi ko sa kanya ganun talaga pag nag-aaral magbike, di matuto hanggat di nasusugatan. Galing nya nga eh 4 pa lang sya marunong na magbike eh ako mga 10 na ako nun matuto magbike at syempre sangkaterbang gasgas sa tuhod at siko rin ang nakuha ko. 

Sa pagaaral ng  pagba-bike kasi mas una mo makukuha ang medalya bago yun diploma.

0 meow:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails